MY BENTO LECHON KAWALI WITH YUMMY VEGGIES
By shella mae olliet
Ingredients
1kilo Pork
2 sibuyas
1tbsp. asin
dahon ng laurel
1tbsp. paminta
1tbsp. Aji-nomoto
oil
water
1/2 kl. baguio beans
1pack mix veggies
butter
Directions
1.Maglagay ng kalahating tubig sa isang kaserola at ilagay ang Baboy , asin , paminta , dahon ng laurel , sibuyas at Aji-nomoto
2. pakuluan eto ng 45 minutes up to 1hour. depende kung malambot na ang baboy.
3. kapag malambot na ang baboy, Hanguin na muna eto at patuluin ang mantika at i-air dry muna up to 30mins.
4. habang Hinihintay na mawala ang mantika sa baboy, maghanda ng isang kawali , isalang at lagyan ng 2tbsp. na butter.
5. kapag natunaw na ang butter, igisa na ang sibuyas at kapag nag brown na sya, ilagay na din ang baguio beans (chop) at lagyan ng konting asin at aji-nomoto para sa masarap na Lasa.
6. ihalf cook lang ang baguio bean para mas masarap.
7. kapag ok na ang baguio beans iset aside na muna then , maglagay ulet ng butter sa kawali at lutuin naman ang mix veggies
8. kapag luto na ang mix veggies i set aside na ulet
9. maghanda na ulet ng isa pang kawali para sa ifry ang baboy (deep fry)
10.ideep fry ang pork up to 30 to 40 mins. at slow heat lang ang apoy para hindi ma over cook.
11. kapag naluto na lahat ang lechon kawali , patuluin muna ang mantika at tsaka ito ichop.
12. kapag okey na ang lahat , ihanda na ang Bento at pagsamasamahin na lahat ng
lechon kawali, mix veggies , baguio bean at ang paborito nameng sawsawan na toyo with sili 😍

pinili ko ang lutuing eto dahil eto ang Favorite ng aking mahal na asawa at syempre mas lalong pinasarap at pinalinamnam pa ang aking lutuin sa tulong ng aji-nomoto 😍