Isda with ampalaya
By Estrellita Paz
Ingredients
Luya
Sibuyas
Asin
Ajinomoto Umami Seasoning
Isda
Dahon ng ampalaya
Directions
1. Ilagay ang sibuyas at luya sa kaserola.
2. Lagyan ng tubig, antaying kumulo.
3. Ilagay ang isda, timplahan ng asin at ajinomoto umami seasoning.
4. Pakuluin ito ng 3 minuto, saka ilagay ang dahon ng ampalaya.
5. Lutuin ito ng isang minuto, wag hayaang ma over cooked ang ampalaya upang di ito pumait.
At pwede ng hanguin at pagsaluhan.